a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Saturday, April 16, 2011, 9:25 AM
Dahil sa sobrang pagod ko kahapon... 
... hindi ko nagawa yung day three. At bakit ako pagod?
  • 6:30 AM - Bumangon sa kama
  • 7:30 AM - Umalis ng bahay after maligo, mag-ayos at kumain
  • 7:45 AM - Nakasakay na rin ako sa LRT, sawakas!! Pero masikip parin like hell...
  • 8:05 AM - Nakarating na sa EDSA at pinuntahan ang McDo kung nasaan naghihintay si Jhubie; Napagdesisyunan na sumakay na ng jeep dahil narealize namin na wala na kaming hinihintay
  • 9:00 AM - Nakaalis na rin yung jeep sawakas!!! The whole time kachikahan ko si Jhubie. Shocks, I miss you na bru. Buti dalawa lang tayo atleast narekindle ang ating friendship haha!
  • 9:30 AM - Nakarating na sa SM Bicutan, pero sarado pa pala. Then narealize namin na sale pala dahil ang daming tao ang naghihintay sa entrance.
  • 10:00 AM - Nakapasok na ng SM Bicutan at tumawid para pumunta sa sakayan ng tricycle (pumasok lang kami ng SM para tumawid); Nakarating na kami sa pamamahay ni Karen Cruz; Naghintay ng mga 10 minutes habang sumisigaw ng 'KAREN'. Lumabas yung kapitbahay nila Karen at siya ang tumawag kay Karen para sa amin. Haha!!
  • 10:30 AM - Kumain ng Chicken Curry for the first time!!!
  • (Di ko na alam yung mga oras so yeah)
  • Nanuod ng Mean Girls 2 habang naliligo si Karen
  • Pinlay ni Kathleen yung Parent Trap, na first time kong panuorin haha, at natawa nung narealize ko na si Lindsay Lohan pala yung bida.
  • Pumunta ng SM Bicutan para bumili ng merienda (Greenwich pizza & brownies)
  • Bumalik at kinain na ang pizza habang pinagpapatuloy ang Parent Trap
  • Nang matapos ang Parent Trap ay nanuod ng Desperate Housewives (Ep 1 & 2)
  • Napagusapan ang research haha. May nagtanong hindi ko maalala kung sino, "Sino-sino ba tayo sa group?" Sabi ko, "PAGSCOV. Pedrosa. Agnasin. Garachico. Santos. Ortua. Vergara. Sino yung C?" Sabi ni Jhubie, "Crescini." Humindi naman kami ni Karen kasi alam naming hindi namin kagroup si Josh. Tapos biglang tumawa si Karen habang sinasabing, "Cruz." HAHAHAHA. FAIL. TAWANAN KAMI =))))
  • Umuwi na!!! :D
Hirap talaga sumakay sa EDSA. Forever ang daming tao e. At iyan ang dahilan kung bakit ako pagod na pagod pagkauwi ko. Sayang yung mga damit na dala ko, swimming sana D:

DAY THREE: Who/What can't you live without?
  • Family ko of course. Paano ako mabubuhay ng wala sila?
  • Eyeglasses. Kapag hindi ko suot ang eyeglasses ko sobrang wala akong makita. Hindi as in pitch black ha, wag bobo, blur lahat ng nakikita ko. You know, malabo talaga mata ko. Kaya kapag wala ang eyeglasses ko, I'm doomed!
Basically yung dalawang yan lang talaga. Pero mahirap din mabuhay kung walang:
  • Computer. Kaya kong mabuhay ng may computer at walang internet. So hindi necessity ang internet.
  • Friends ♥
  • Watch/Clock
  • Water. Kayang mabuhay ng walang pagkain.
  • Etc.
DAY FOUR: If you could wish for anything that would come true, what would you wish for?

Makilala ang aking true love (makikilala ko rin siya someday) at maging mayaman. Sabihin na nating mukha akong pera pero paano ka nga ba mabubuhay ng walang pera diba? I'm just being practical here yu gaiz. And then kapag naging mayaman na ako, matutupad ko na ang lahat ng mga pangarap ko! Ang tanging wish ko na lang if ever mangyari to ay hindi ko masabi yung linya ni Gabrielle na, "Turns out I wanted all the wrong things." Haha. Desperate Housewives ♥

Labels: , , , , ,

0 comments | Leave a comment