a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Thursday, April 14, 2011, 10:31 AM
Regret 
DAY TWO: What do you regret the most?

Ituturing ko ang sarili ko na isang plastik kung sasabihin kong wala akong pinagsisisihan sa buhay ko. Syempre lahat naman tayo siguro naexperience na yung moment na sinabi mo sa sarili mo na, "Sana pala hindi ko na lang ginawa to. Eh di sana..." Diba tama?

So ang tanong, ano ang PINAKA-pinagsisisihan ko.

Yung mga araw na may test kami kunwari sa isang subject tapos hindi ako nag-aral. Di ko alam pero sobrang dami kong oras para mag-aral kapag nasa bahay ako, pero hindi parin ako nagaaral. May mga times na binasa ko lang yung Student Time pero hindi ko minemorize. Pero naranasan ko narin magtest nang walang binabasa kahit isang word. Kapag ganun yung nangyayari ang nasa isip ko palagi, "Kung sana nag-aral lang ako, edi madali lang to para sakin."

Naranasan mo na ba mag-periodic exams ng walang binabasa? Haha! First time kong gawin yun ngayong third year; Social Studies. Kasi ang nasa isip ko nung time na yun, "Kahit naman basahin ko tong Perry wala parin akong maiintindihan at hindi rin naman ako papasa." Haha. Kaya siguro paminsan eh hindi ako nagaaral kasi nakatatak na sa kokote ko na 'walang papasok sa utak ko' at 'papasa naman ako sa subject na to'. Haha share.

GC na kung GC pero yung mga moment na ganyan ang pinakapinagsisisihan ko sa buhay ko. Haha!

Labels: ,

0 comments | Leave a comment