a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Sunday, April 3, 2011, 11:28 AM
Asian Pose Challenge Day 3 of 29 

DAY THREE: Begging pose

Mukang tanga lang po =))



Post ko na lang dito yung storya ng Mendel after 20 years. Tribute sa aking section this school year dahil nalalabi na lang ang mga araw na magkakasama kami D':

Nandito ako ngayon sa Paco Park Church. Kokonti lang yung tao rito, mga kaklase ko nung third year at iba pang mga taong hindi ko kilala.

Nasa harap ng altar si Isaac, at hindi siya yung ikakasal, FYI. Hindi ako makapaniwala na after twenty years, naging pari si Isaac. Yung hippo na loko-lokong Isaac nung third year ay naging pari after twenty years!!! MY GOD!!! At hindi lang si Isaac ang kagulat-gulat na nagbago. Pati si Carissa! Naging madre na! Ayun nga oh, nasa gilid nung altar. Parang nung third year, palamura siya ha. Pero may sinabi sa akin si Karen na bali-balita raw rito sa Paco na tuwing gabi ay nagiging cat woman si Carissa. Konek diba?

At hulaan niyo kung sino yung kinakasal. Si Conwi tsaka si Crescini! Imagine! Naging legal na kasi ang same sex marriage rito sa Pilipinas makalipas ang dalawampung taon. At never in my wild imagination na naisip kong magpapakasal si Conwi at Crescini.

Anyway, dumerecho na lahat ng mga dumalo sa kasal sa bar na pagmamayari ni Karen, doon daw ang reception. Nasa may Orosa St. lang yung bar ni Karen kaya malapit lang. Una kong napansin nung pagkapasok ko sa bar ay yung bouncer na nakatayo sa gilid. Hindi siya lalaki, actually. Pero matangkad at mukhang si Sophia yun. Si Sophia nga yun, nilapitan ko eh.

Ako naman ay pumwesto na doon sa buffet table. Ako kasi yung nagaasikaso rito. Sinigaw ko na yung mga scientific names nung mga isdang hinanda namin. Nagtapos ako sa UP Manila ng BS Biology at eto ang naging trabaho ko, tagasigaw ng scientific names ng isda.

After kumain ay inusisa na namin sina Conwi at Crescini kung paano nga ba nagsimula ang kanilang lovestory. Nagsimula pala yun after ng graduation ng college. Sa iisang university lang nag-aral sina Conwi, Crescini, Camille pati Matthew. Ang nangyari pala nun ay hanggang college ay may gusto sina Conwi at Crescini kay Camille at binasted ni Camille si Conwi at Crescini after ng graduation nila dahil mas pinili niyang maging jowa si Matthew. So ayun, nagpakalasing daw yung dalawa at doon nadevelop ang feelings nila sa isa't isa. Haha! What a love story!

Pero sinabi ni Conwi na na-coma raw si Camille sa hindi malamang kadahilanan. Tapos si Matthew ay isang sikat na danseur. Kaming lahat naman nagtaka kung ano nga ba yung danseur na yun. Sikat na lalaking nagbaballet daw. Ang dahilan daw ni Matthew ng pagbaballet ay siya raw ang nag-continue ng pangarap ni Camille sa ballet. What a weird couple.

Nagulat na lang kaming lahat nung biglang magbago yung sounds sa bar, naging 'Careless Whisper' tapos may lumabas na babae sa gitna ng stage at sumayaw ng sexy dance. Si Micah. Balita ko nagpasex-change raw to eh. Pero hindi into a boy, nagpasex-change into a girl. Ang weird din eh no? Girl na nga nagpasex-change pa into a girl. Haha!

Pagkatapos sumayaw-sayaw ni Micah eh naisipan nilang buksan yung TV. Wala lang daw, para lang daw may magawa. Unang lumitaw eh si Karlo. Ewan ko kung bakit siya nasa TV pero suot-suot niya yung palaging costume ni Kuya Kim. Siguro siya yung new Kuya Kim ngayon? Nasa Ocean Park Hong Kong si "Kuya Karlo". At ang una niyang pinakita ay si Philip. GRABE! Nag-transform into a panda si Philip!!! Yung mukha Philip pero yung katawan Panda! MY GOD! Tapos bigla namang lumitaw sa TV si Amar! Siya naman aso! Biglang may nag-kwak sa TV ata galing yun, tapos finocus yung camera kay Moraga! Naging pato! Pare-pareho sila, yung mukha sila pero yung katawan hayop! WHAT IS HAPPENING IN THE WORLD?!?

Nilipat na nila yung channel kasi naloloka na sila sa mga napapanuod nila. Nalipat yung channel sa mga nagwrewrestling. Biglang tumayo yung isang round girl. Nagulat naman ako nung mamukaan ko kung sino yung round girl. Si Jaime! After niyang umikot-ikot sa ring eh pinakita pa yung dalawang round girls. Tae! After twenty years magkakasama pa rin sila! Yung iba pang round girls eh sina Renalice pati Marga! At infairness ha, ang sexy nila! Nagsimula na magwrestling yung dalawa. YUNG DALAWA!!! Si Benjamin tsaka si Benedict!!! Ahahaha!!! Parang nung third year ang lampayatot nung dalawa ha! Tapos ngayon ang lalaki na ng katawan nila! Nakakatawa naman! Hahahaha!

Nalipat sa channel na may pinapakitang piloto raw na nagpaandar nung eroplano na sinasakyan nung presidente ng Pilipinas. At hindi ko pa ba nasasabi sainyo na ang presidente ng Pilipinas ngayon ay walang iba kundi si Renzo Macasil? Haha! Oo! Matapos ang dalawampung taon ay nagpakatino si Renzo at naging presidente ng Pilipinas! Tapos yung piloto raw na nagpaandar nga nung eroplano na sinasakyan ni Renzo ay si Alyssa. Bah, natupad niya yung pangarap niya ha. Haha.

Nilipat na ulit yung channel. Napunta sa Myx. Tumutugtog yung rockstar na si... OMYGOD SI HUFALAR BA YUN? Rockstar na ngayon si Hufs, haha! Tapos may mga sumasayaw na mga babae sa likod niya tapos parang pinagaagawan siya. Shet! Winner! Ay wait! Sina ano yun ah... Sina ano... Kaklase rin namin nung third year... Ayun! Sina Arra, Rizza tsaka Diana. Haha! Sila pala yung mga sumasayaw sa likod ni Hufs. Haha!

Then nalipat na sa news yung tv. Meron daw nasagasaan sa may Taft Avenue katapat ng MaSci. Yung nakabangga, pinakita nila kung sino. OMYGOD SI HARVEY. Nakabangga si Harvey!!! Pinakwento nila kay Harvey kung ano ba talaga ang nangyari. Nagdadrive raw siya ng side car niya kasi may idedeliver daw siya na tubig sa kapitbahay niya, tapos may dumaan daw na kuba. Later lang daw niya narealize na si Jorell pala yun. Pero iniwasan parin niya syempre nakakaawa raw. Tapos ang nangyari naman, mayroon parin siyang nabangga.

Then ininterview naman nila yung embalsamador. Ahahahahaha! Embalsamador na ngayon siBatara!!! Haha! Sabi niya babae raw yung nabangga ni Harvey, AT KAKLASE RIN NAMIN NUNG THIRD YEAR! Si Rafols daw. DOA raw si Rafols. At sa kasalukuyan eh ginaganap yung burol niya sa tapat lang ng bahay nila. At napagdesisyunan naming lahat na puntahan muna yung burol niya.

Nung pagdating namin dun. Nakita namin na may lalaking humagulgol sa harap nung kabaong ni Rafols. Siya siguro yung naging asawa ni Rafols. Binalak naming kausapin at nagulat naman kami nung bumulaga sa amin ang isang umiiyak na Carmelo. Sabi nga niya, siya yung asawa ni Rafols at hindi raw niya maintindihan kung bakit kinuha siya ni Lord eh ang bait-bait naman daw niya. Hagulgol parin siya ng hagulgol sa harapan namin. Bigla siyang nilapitan ni Alec. Nung nakita ni Carmelo si Alec, napatigil siya sa pagiyak niya. Nagflashback daw lahat ng pangyayari sa buhay niya. At bigla niyang niyakap si Alec. OMG.

Biglang umihip ang isang malakas na hangin. Buti naman at nagparamdam si Rea. Akala ko hindi na siya magpaparamdam eh.

May isang rumaragasang limousine ang tumigil sa tapat ng bahay nina Rafols. Unang lumabas yung driver na naka-shades. Tapos binuksan niya yung pintuan sa passenger's seat at may lumabas na isang babae. Asawa niya siguro. Tapos binuksan naman nung driver yung pintuan sa likod. May lumabas na dalawang babae. Sina ano yun ha!!!! Sina Eunice pati Claire!!! Pero teka lang. May isa pang lumabas galing sa Limo. Lalake. Namamaga yung left eye niya. OMYGOD. I THINK I KNOW WHO THIS GUY IS. SI TUQUILAR TO AH! AFTER TWENTY YEARS NAMAMAGA PARIN YUNG MATA NIYA?!? OMYGOD!!!! At bakit niya kasama sina Eunice at Claire? Mga babae niya, I guess? Ano?!? Bakit naging mayaman si Tuquilar?!

Biglang inalis nung driver yung shades niya. SI PERSEUS?! Driver na lang siya ngayon? At driver pa ni Tuquilar! Hahahahaha. Eh sino yung babaeng kasama niya na asawa niya yata? Nilapitan ko siya. At namukaan ko nga. Si Kathleen pala yun. Siya pala yung napangasawa ni Perseus. Kaya pala....

Tumingin ako sa paligid ko. Halos lahat ng Mendel nandito. Si Isaac at Carissa na mga nagbagong buhay at naging mga alagad ng simbahan. Si Conwi at Crescini na nagpakasal. Si Karen na nagmamayari na ng bar ngayon. Si Sophia na bouncer sa bar ni Karen. Si Camille at Matthew na isang weird couple. Si Micah na nagpasex-change. Si Karlo na "Kuya Karlo" na ngayon. Sina Amar, Philip at Moraga na nagtransform into animals. Si Jaime, Renalice at Marga na mga round girls nung dalawang wrestler na sina Benjamin pati Benedict. Si Renzo na presidente ng Pilipinas. Si Alyssa na piloto na ngayon. Si Hufalar na rockstar at pinagaagawan nina Arra, Rizza at Diana. Si Harvey na kamuntikang mabangga si Jorell. Si Batara na embalsamador na ngayon. Si Carmelo at Alec na nagreunite ng kanilang love. Si Rea na patuloy na nagpaparamdam. Si Tuquilar na naging mayaman at mga babae sina Eunice at Claire. Si Perseus na driver na lang ngayon at asawa si Kathleen. Si Rafols na nakahiga sa kanyang huling himlayan.

LAHAT NG MENDEL NANDITO. REUNION BA TO?! Nang dahil sa burol ni Rafols, nabuo ulit yung pamilya ko nung third year ako. Lahat ng kumumpleto sa third year life ko nandito. PERO TEKA.!?!> Bakit parang may kulang?! Nasaan na si Xarrise?! WAAAAAAAA. Ahhhh, lam ko na. Pikit na lang tayong lahat, makikita natin si Xarrise :D

Labels: ,

0 comments | Leave a comment