a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Monday, March 14, 2011, 1:23 AM
day twenty-four 

-> A letter to your parents <-

Hi mami! Hi dadi!

Siyempre unang-una sa lahat thank you kasi pinalaki niyo ako ng maayos. Kung hindi dahil sainyo, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Sobrang thankful ako at kayo ang naging parents ko kasi yung parents ng mga kaklase ko yung iba sobrang strict, yung iba naman walang pake, kumbaga kayo PERFECT. Kapag lokohan, lokohan talaga. Kapag seryoso naman, ayon seryoso nga. Hindi kayo nagkulang sa pagpapalaki sa aming magkakapatid. Alam ko nahihirapan na kayo ngayon at sa future lalo na pag sabay-sabay na kami sa college pero sana masuportahan niyo parin kami kasi para sainyo rin to. Pag nakatapos na kami sa pagaaral kayo naman ang aalagaan namin. Kami naman ang gagasta para sainyo. Ibabalik naman namin sainyo lahat ng ginawa niyo para sa amin.

Thank you kasi kapag gagala ako palagi niyo akong pinapayagan. Hindi pa ata ninyo ako hinihindian? Minsan pa nga pag tinatamad ako sasabihin ko sainyo, "Kunwari di niyo ako pinayagan." Tapos maiisip ko, baka hindi maniwala mga kaklase ko. Thank you sa financial support na binibigay niyo sa amin. Kapag nanghingi ng pera, binibigay. Naalala ko one time sabi ni daddy, kaya binibigay lahat ng gusto namin kasi nag-aaral naman kaming mabuti. Kaya eto, MEDYO sinusubsob ko yung sarili ko sa pag-aaral. Para maging proud kayo sa akin at naging anak niyo ako. Para naman hindi masayang yung effort niyo sa pagpapaaral sa akin.

Thank you kasi hindi kayo nagsasawang pakinggan yung endless kwentos ko. Pagkauwi ko ng bahay magkwekwento ako agad. Kahit na paminsan napapansin ko naiirita na kayo sa akin sa kakakwento ko, nakikinig parin kayo. Kapag may problema ako or may problema sa school, andyan parin kayo sa tabi ko. PARATI KAYONG NANDYAN PARA SA AKIN.

Thank you kasi sa tanan ng buhay ko hindi pa ako nakakaranas ng PALO mula sainyo. Palo na lokohan lang ganun pero yung seryoso hindi pa ata. Kapag may nagawa akong kasalanan, pagsasabihan niyo kami tapos matatakot ako kaya hindi ko na ulit gagawin yun. Haha! Wala pang palo, takot na ako. Ayoko kasing nasisigawan ako or napagsasabihan kaya hanggat makakaya ko, iniiwasan kong gumawa ng kasalanan sainyo.

Syempre sorry sa lahat ng kasalan ko. Alam niyo na yun. Sa sobrang dami nun di ko na mamention isa isa. SORRY SORRY SA LAHAT NG KASALANAN.

THANK YOU. Alam niyong mahal na mahal ko kayo OMG I LOVE YOU =D

Labels: , , ,

0 comments | Leave a comment