a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Monday, January 3, 2011, 6:51 PM
Ano na nga bang nangyari? 
Haha. Kasi first day ngayon after ng Christmas vacation at nakita ko na ulit mga friends ko ^^

So anong nangyari? Wala! Walang nangyari! Kaya ako nagbloblog ngayon, kasi wala akong magawa. Haha. Di seryoso, wala talagang nangyaring maganda. Maliban na lang kung kasama sa magandang nangyari yung mga nalaman kong chika at kung anu-ano pa at yung mga walang katapusang asaran.

Asaran. Tsk. Alam na. Hindi na kailangang ielaborate.

Tapos nung uwian, kasama ko si Sophia nagpaxerox kami. At nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay. At sobrang tuwa ko naman kasi naiintindihan ni Sophia yung nararamdaman ko! Haha. Tingin ko kasi siya lang yung nakaexperience na nung ganitong nangyayari sa akin kaya siya yung nakwentuhan ko rin.

"Uy sophia."

"Bakit?"

Tingin-tingin sa paligid.

"Ah si ano?"

"Oo."

"Mahal mo pa rin ba?"

"..."

"Eh hindi ko alam e."

"Kita mo, mahal mo pa."

"Eh parang oo na parang hindi. Get mo?"

"Alam ko yan. Yung parang hinahanap-hanap mo yung gusto mong maramdaman mo sa kanya sa ibang tao. Kaya ang nangyayari ay napupunta dun sa taong yun yung nararamdaman mo. Kaya tingin mo nawawala."

Chuchuchu. Hindi ganyang eksakto yung sinabi ni Sophia pero ganyan yung thought. Huhu naiintindihan ako ni Sophia! Kaya mahal ko yan eh. Expert sa mga seryosong usapan. Kaya ikaw kung sino ka mang nagbabasa ka, kay Sophia ka lumapit pag may problema ka sa mga ganitong bagay.

Tapos kung anu-ano napagkwentuhan ngayong araw. At yung isa sa mga nalaman ko, nagpapagulo lang ng mga pangyayari. Haha. Parang, hmm... Ayokong maging selfish kasi di ko naman pagmamayari at sa tingin ko eh masyado kong iniisip-isip ang mga bagay-bagay. Haha. Dapat di ko na iniisip mga stuff eh, dumarami pimples. Bayaan na lang natin, go with the flow na lang ^^

At sa aking mga dear friends na may utang akong kwento o kaya may utang kayong kwento sakin: Marge, Ian, Marvin, Karen. Bukas ha ;)

SAWI ka ba? Single at walang iniisip.

Labels: ,

0 comments | Leave a comment