a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Friday, December 31, 2010, 1:35 AM
Gaga much 
Natatawa ako. Kapag binabasa ko ulit yung blog post ko before this. Parang naiisip ko, OMG eto ba talaga umaandar sa utak ko ng panahong yan. And come to think of it, parang few days ago ko lang yan sinulat. Tapos ngayon iba nanaman andar ng utak ko. Hahaha.

Kakasabi ko pa lang dun na hindi na ako lalandi, tae ano tong pablog blog na nalalaman ko? Di ba kalandian to? Haha joke lang. Ishashare ko lang sainyo yung nabasa ko kanina ha, nagliliwaliw kasi eh.

Ikaw Cyriel, di ba walang talo talo?

Depende.

Anong depende?

Depende kung karapat dapat ba yung babae para ipagpalit ko yung mga kaibigan ko. Kung karapat dapat man siya, ipaglalaban ko siya kahit na magkagalit pa kami ng mga kaibigan ko. At kung totoong kaibigan man ang kaibigan ko, hindi siya magagalit kung sakaling ako ang piliin ng babae dahil kung mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka kung saan siya masaya.

source : http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,196618.870.html

Hahaha. Diba ang ganda nung sinabi ni Cyriel? Read niyo yung story. Kaso medj gagana ang mga green cells niyo sa utak pero maganda talaga. Kudos sa author niyan. AKO NA ADIK SA CANDYMAG, HAHA.

Pero seriously, ang funny ko. Talagang pag mga ganitong usapan, I take things seriously, kaya nga ako najoketime e. Ay ano raw yun? Haha, kidding. Tae ang serious ko masyado sa mga panahon na yan. Naisip ko, BAKIT AKO GANITO MAG-ISIP AKALA KO BA MATALINO AKO. Hahahahaha. Tangina may umamin lang sayo kung anu-ano na umaandar sa kokote ko eh. Ako namang gaga seryosong-seryoso tapos ganun yung nareceive ko na reaction ni kumag, tae talagang magwawala ako. Eh after a few days ng pag-isip isip tungkol sa mga bagay-bagay, ang tanging sigaw lang naman ni dear conscience ko ay, "pabayaan mo na lang ang mga bagay bagay. Masyado mo kasing iniisip ayan pati tuloy ako nagugulo mo."

Eto na talaga, sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin para makuntento na tong lechugas na puso ko (echos ang taray lang po). Atsaka alam ko namang binabasa mo to ngayon kumag ka maliban na lang kung tinatamad ka kasi mahaba, gaya ng palagi kong sinasabi sayo wag lalaki ulo. Kasi ako lumaki talaga ulo ko, puno ng hangin ampupu. Iba kasi talaga haha. Siguro may BO ka no? Kasi ang layo mo pa lang, ang lakas na ng dating mo. Ay bumabanat nanaman ako. Haha. Seriously, laging nao-on yung feeler mode ko. Haha. Pero tinatry ko naman i-off e. Hihihihi ;))

Oh ayun itatype ko na nga. Baka mawala ako sa momentum ko eh. TAE NGAYON LANG TO. NGAYON LANG AKO NAGBLOG NG GANTO KAHABA NG DAHIL SA YOU KNOW WHAT. Haha I hate you -________- Oh eto seryoso na ha. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, seryoso. Lahat ng pwedeng maramdaman nararamdaman ko ngayon tae. Siyempre unang-una na diyan yung saya. Tae ang saya saya ko talaga no hindi halata hahahaha. Tapos yung kilig. Nakaramdam narin ako nung kirot somewhere over the left side of my chest. Di rin mawawala yung inis ko sayo paminsan-minsan. Tapos alam naman ng lahat na sobrang selosa kong tao diba. At hindi rin mawawala yung pagkakadismaya ko minsan na nakakapagpalabas ng mahiwaga kong ajujujuju sa mga stat somewhere. Ngayon lang ako naguluhan ng ganto. Ngayon lang din ako natakot... Natakot sa mga pwedeng mangyari in the near future. Ngayon na lang ULIT ako nagpuyat @_@ AT HIGIT SA LAHAT, ngayon lang ulit tumibok ng ganto kabilis yung lechugas na puso ko.

Siguro yung iba nung sinabi kong crush ko siya naiisip, "tae anong trip mo". Oh ngayon alam niyo na na seryoso ako. Actually, I'm dead serious. Tapos may magrereact ulit diyan, "tae di nga seryoso talaga si Aljeri?" Tae kulit ha?!? SERYOSO NGA YUNG TAO EH -___-

TANGINA BAKIT KO BA TO SINUSULAT. PINAPAHIYA KO LANG SARILI KO EH. HAHAHA. Ang weird ko talaga. Pero anyway, thank you talaga. Tinanong mo ako for what? For everything. Tae ang drama ko ha? Parang OMG diba dapat ganto lang kapag you know. Ahaha weird parin talaga ako forever. Feeler mode feeler mode ako. Naweweirdan na talaga siguro kayo sakin. Sige tigil na muna. Happy new year na lang sa'yo kung sino ka mang nagbabasa ka ^____^v

Ayan panatag na si dear heart ko, nalabas na lahat ng gustong sabihin. ♥

Labels: , , ,

0 comments | Leave a comment