a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Wednesday, December 29, 2010, 1:48 AM
Thoughts 
So ayun. Ikwekwento ko na sainyo ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko.

Nag-overnight kami kanila Karen nung December 20-21. Actually dapat gagawa lang kami ng project eh pero nag-swimming kami. Haha. Ang nakakatuwa pa nga ay pumunta pa kami ng SM Bicutan para lang bumili ng underwear. On the spot swimming kasi. Tapos ayun nga nagovernight kami. Ang dami kong nalaman. Na pareho pala kami ng crush which is kilala niyo na nga. Tapos ang dami niyang nakwento sakin grabe tawa ako ng tawa sakanya. Anyway ayun nga overnight.

Kinabukasan, December 21, pumunta kaming Luneta para gumawa kunwari ng Chem pero it turned out na tumambay lang kami. Nalaman na nga ni Xarrise yung issue tungkol kay Meme at ayun kinausap na niya ako. Lupit sa mga advice eh. Tapos si Rea rin nag-advice sa akin, "Paano kung binitawan mo si MD tapos para kay Meme wala lang pala yun." Nung time na yun naisip ko, paanong magiging wala lang sakanya yun eh umamin na nga sa akin. Tanga ko rin no. Naniwala ako sa mga instincts ko.

Edi ayun na nga, I ended things na with MD. Tapos shinare ko naman yun kay Meme. Tae tapos talagang nalungkot ako sa mga pinagsasasabi niya. Parang hello. Hindi mo ba napapansin na kaya ko yun ginawa eh dahil sayo? TANGINA TANGA KA BA? Ganyan na ganyan yung gusto ko sabihin sakanya. Yung isa niyang sinabi na nakapagpaiyak talaga sa akin ay yung, "Balikan mo siya." Tangina. Umiyak talaga ako nung gabing sinabi nya sa akin yan. PARANG HELLO ULIT.

"Tingin mo? :-/"

"Ikaw. Pero if I were you, babalikan ko."

TAE. DI BA NIYA NAREREALIZE NA KAYA KO SINEND YUNG MESSAGE NA YUN KASI GUSTO KONG YOU KNOW WHAT. TAE DIBA?

Pero after a few days of thinking things through, napagisip-isipan ko na mas maganda ngang maging friends nalang kami. Tingin ko ay wala na talagang pag-asa. Kasi sa mga kinikilos niya ngayon, wala na talaga. Kaysa naman mawala lang yung friendship namin dahil dito diba? Why not stay as friends nalang.

At eto naman ang nakakalokang happening sa buhay ko. Nagparamdam narin siya! NagPM sa akin sa facebook, "MERRY CHRISTMAS" Haha. Ganyan na ganyan talaga siya promise! Tapos ang nasa isip ko pa nun ay, "Tangina parang pinaparating mo na hindi merry ang christmas mo dahil sa akin ah." All caps ba naman kasi. Pero syempre to be polite ang nireply ko nalang sakanya ay, ":) sau rin" Oh diba saan ka pa.

Anyway. I am happy with how things are now. Masaya ako na friends parin kami ni you know who at sana ay maging friends din kami ni MD someday. Alam ko balang araw magkakaayos din kami niyan. Time heals all wounds diba?

Di muna ako lalandi ngayon. Hihintayin ko nalang yung right person na nakalaan para sa akin at the right time at the right place. Hihihihihi ;))

Labels: , , , , , ,

0 comments | Leave a comment