a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back
Monday, May 2, 2011, 10:24 PM
CN Blue 
Sorry ngayon lang ako natuwa sa isang boy band kaya pagbigyan niyo na. Isang CN Blue appreciation post :)

Love girl *_*

Favorite song ko sa kasalukuyan. Haha. Okay kapag napapanuod at napakikinggan ko tong MV na to, feeling ko buo na yung araw ko. Hehe. Pagpasensyahan niyo na. Ngayon lang ako nagpantasya ng ganito, pagbigyan okay? 'Tas feeling ko pa ako yung kinakantahan nila. Oh diba feeler :">

Tapos ang cute pa ni YongHwa diyan sa MV ♥_____♥ Pero favorite parin si JongHyun. OMG hala baka maging isa na ako sa mga kpoppers. Haha. CN Blue lang naman eh hihihi. Ang cute cute ng wallpaper ko :""""D


AHIHIHIHI Tsaka eto last na :"""")

0 comments | Leave a comment
Thursday, April 28, 2011, 8:07 PM
Loser 
Loser.

Nalaos na ang blog ko. At dahil diyan ay magbablog ako!!! HAHA. Imma blog about my week so far. Dahil I'm a very busy person madami akong ginawa ngayong week :D

April 25, Monday
  • Gumising ng 4:30 dahil ang meet-up with friends ay 6AM
  • Nung naglalakad na ako sa street namin para sumakay ng tricycle papuntang LRT, nagtext si Marga na nasira raw yung LRT so nag-jeep ako. Pero later ay nabasa ko sa text ni Marga na yung isang LRT lang pala yung nasira fail pero marami raw tao kaya mas okay pala na nag-jeep ako.
  • Nung nasa Vito Cruz na ako, pumunta na sa tapat ng Starbucks at nakita si Marga. Inantay si Josh at naglakad papuntang McDo.
  • Breakfast @ McDo.
  • Derechong Auditorium ng Nucleus.
  • Diagnostic test (gwapo yung katabi ko)
  • Meeting with my research groupmates
  • SM Manila with Jhubie, Alyssa, Karen and Kat
  • Miguelito ♥
April 26, Tuesday
  • 10AM ang usapan pero naurong ng 12NN.
  • Inantay si Alyssa with Jhubie sa McDo UN.
  • Naglakad papuntang National Library.
  • Sarado ang reading room dahil Inventory.
  • Pumuntang SM Manila at tumambay sa National Bookstore
April 27, Wednesday
  • Review from 7:30 AM - 12NN
  • Umuwi ng bahay para mag-lunch
  • Nag-LRT para bumalik ng MaSci
  • Meeting with Kuya Emman
  • McDo with Jhubie and Karen
HAHA. At ngayon ay dapat aalis kami kaso di raw pwede si Karen dahil birthday ng tatay niya, so... Di na kami natuloi. LOL. Bukas na lang. SHARE~

Labels: , , , , ,

0 comments | Leave a comment
Thursday, April 21, 2011, 1:29 PM
Me, myself & I 
DAY EIGHT: What does your name mean? Why were you named what you were named?

Kahit saang website ko hanapin, hindi ko mahagilap kung anong ibig sabihin ng pangalan ko (syempre special e joke haha). Saan ka pa ba nakakita ng may pangalang Aljeri? Although may mga nakikita ako sa FB na may pangalan din na Aljeri OMG :O

So eto na ang history ng name ko. Combined forces siya ng names nina mami at dadi. So yea. Ang nickname kasi ni mami ay Alotte and ang name naman ni dadi ay Jerry. So Alotte + Jerry = Aljeri \m/ AHUH AHUH

DAY NINE: What do you like the most about yourself? (physically and emotionally)

Sorry kung magiging mahangin itong part ng post na ito, ok. Hahaha.
  1. So yea, pinakagusto ko physically, YUNG WHISKERS KO!!! \m/ AHUH AHUH. Kaw ba may whiskers ka? Haha. Yung iba akala blackheads siya pero no!! WHISKERS SIYA!! WHISKERS!! Haha.
  2. So pangalawa, yung ngipin ko. AHIHI. Kahit na hindi maaus ang ngipin ko para sakin ang cute niya wahahahahaha. ANG CUTE E BAT BA =))
  3. BRASO BEYBE. SARAP KURUTIN.
  4. Yung kaputian ko :"""""">
  5. Hair! Kahit na ngayon eh pangit siya dahil maikli haha. Kapag yung tamang length, gustong-gusto ko hair ko <33333333333333
  6. EMOTIONALLY: Yung pagkamasayahin ko. Hihihihihi.
Wala na ako maisip hihi ;))


Labels: ,

0 comments | Leave a comment
Tuesday, April 19, 2011, 5:01 PM
Zahir!!! 
So yeah. Sinimulan kong basahin ang Zahir noong April 2 at ngayon ko lang siya natapos! Imagine, 17 days!!! Merong mga araw na hindi ako nagbabasa, so yeah. It took me 17 days to finish the book. And it wuz awesome!!! Promise, ang ganda niya. Mahaba siya, makapal yung libro at ang liit ng text pero worth it basahin. LALO NA YUNG ENDING. OMYGOD THE ENDING. Love na love ko yung ending. Medyo naiyak nga ako sa last part e. Tears of joy. At hanggang sa huli ay hindi ko nalaman kung ano yung pangalan nung bida. Wahaha! Ang alam ko lang is yung pangalan ng asawa niya, Esther, pati si Mikhail at yung iba pa niyang naencounter. Sadyang hindi minention yung name nung bida. Oh well. Thumbs up for Mr. Coelho!!! For me, mas maganda siya kaysa sa Brida and Alchemist. Ewan ko pero sobrang naattach ako sa librong to. KINILIG TALAGA AKO SA ENDING :">

At ngayon, pinagpipilian ko kung anong susunod kong babasahin. It's either The Devil and Miss Prym by Paulo Coelho (ulit) or The Client by John Grisham. Pero sa tingin ko ay magpapause muna ako sa Coelho madness at mag Grisham mode muna hihi :D

Labels: , , ,

0 comments | Leave a comment
1:04 PM
Phobia 
DAY SEVEN: What is your phobia/fear?


WAAAA. Pagkakita ko pa lang sa picture ang sakit na shet. Pain na physically tsaka emotionally. Syempre lahat naman siguro ng tao takot masaktan no? Masugatan lang ako minsan iiyak na ako (kapag sobrang sakit). Pero syempre takot din akong masaktan emotionally (di pa nararanasan ng bonggang-bongga, medyo lang) Haha. Share.


OMG TAKOT TALAGA AKO SA NEEDLES SWEAR. Kaya ayokong ma-confine e, kasi takot ako sa needles. Never pa ako na-confine sa hospital kaya di ko alam ang feeling ng naka-dextrose. Tapos kapag injection, takot talaga ako...... </3 Tapos hindi ko maintindihan kung paano nagagawa ng mga taong itusok yung mga pins sa dulo ng daliri nila. Diba may mga gumagawa nun? Yuckkkkk...

Labels:

0 comments | Leave a comment
Monday, April 18, 2011, 4:49 PM
Life 
DAY SIX: What's the point of life? Define a great life.

Point of life? Siguro magawa mo yung mission na nilaan ni God para sa'yo. Siguro sa ngayon hindi ko pa alam ang mission ko sa mundong ito pero someday malalaman ko ang mission na nakalaan para sakin tapos gagawin ko yun :)

Great life? Basta ba andyan si God, family ko and friends. Ok na. Kahit walang boyfriend/lovelife basta andyan sila. Wahahahahahahaha :-bd

Labels:

0 comments | Leave a comment
Sunday, April 17, 2011, 9:26 PM
Realizations 
Before I say anything else, please watch this video first. I think it will change your perspective in life and of course this post is all about this documentation (Naks um-i-english na ako ngayon haha).


I absolutely salute Mr. John West in his guts to try an adventure on being a jeepney driver here in the Philippines. Sa bandang simula pinakita kung paano yung buhay niya sa London and I would have to say that he's so lucky na sa London siya pinanganak kasi kahit bus driver lang siya, malaki parin ang kinikita niya at maganda parin ang buhay niya. And I would have to add na ang cool ng bus sa kanila, haha!

It's funny na ang tanging alam lang niya sa Pilipinas ay si Imelda Marcos. Haha. "and she had 200 pairs of shoes. I knew that. After that, not very much." The best part of the documentary was @ 8:54, I guess. Haha. Superdog! Marami akong nakikitang ganun sa Laguna.

Pero I got carried away when I watched this documentary. It made me realize how lucky I am of the things I have in my life. Most of the time, I complain about simple things. As in SIMPLE things. Pero ang pinakakadalasan kong nirereklamo ay PAGKAIN. Minsan, kapag ayaw ko yung nakahain na pagkain, hindi ako kakain or bibili ako ng chichirya sa kapitbahay. Samantalang yung ibang tao, naghahanap pa ng leftover food sa basurahan para lang makakain. Hayyy :(

Don't get me wrong, dati ko pa alam na maswerte ako sa buhay ko pero ngayon lang talaga namulat yung mata ko sa katotohanan na naghihirap na nga ang Pilipinas. Yung part na pinakita si Elsy (di ko maalala kung Elsy nga ba yung pangalan niya), nalungkot ako. At nagulat din ako nung una siyang nabuntis eh 14 yrs old pa lang siya. I mean, ako 14 ako ngayon pero never pumasok sa isip ko na magka-anak at this age. DUH. Anong ipapakain ko sa anak ko if ever, wala ka namang mahahanap na trabaho at the age of 14. Maawa naman ako sa magiging anak ko diba. Pero sabi nga nila, wala ka na raw magagawa kapag nandyan na.

At dito na pumasok yung RH bill. Actually dati wala akong paki dito eh. No comment haha. Pero isang comment doon sabi:

  • I think the government should forget about what the church says and pass the RH bill. Over population is a huge problem in the Philippines & it's really sad how not a lot of people aren't educated about family planning & STDs. It's just really sad to hear that the government has been trying for 15 years to provide free contraception to the masses, & the only thing standing in the way of a huge step towards progress is the church.


Yung part naman na pumunta siya sa Tondo. Naiyak din ako. Dun sa pagpag part. Sobrang effort niya sa araw-araw para maghalungkay ng basura tapos 70 PESOS lang ang nakukuha niya sa isang araw? :( Tapos ako kuha lang ako ng kuha ng pera kina mami at dadi. :( Sabi pa nga nila, 'If you don't work, you don't eat.'

At last na, yung umuwi siya sa probinsya niya. Huhuhu. Kakaiyak. Totoo namang mas tahimik yung buhay sa probinsya eh pero gaya nga ng sabi sa video, wala gaanong industriya sa probinsya kaya lahat lumuluwas sa Maynila. (Haha, galing din ako ng probinsya!)

Dami kong sinabi. Bottomline: Eye-opener.

Labels: ,

0 comments | Leave a comment