a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Friday, April 1, 2011, 9:07 AM
Reunion DAW 
Mga 9 something na ako nakarating sa McDo at ang nadatnan ko lang dun ay sina Ian, Kai pati Marvin. Parang ang nasa isip ko, "Reunion to diba?" Haha! Pero oh well, kahit kaunti lang naman kami ay enjoy pa rin. Nung dumating si Lyon, kumain ng "Harsh" Brown. Tapos lumarga na. Nang dumatin sa MoA ay dumerecho na sa skating rink. Tapos nakita na si MD. Hehehehehehehe sa loob-looban ko ganyan reaction ko. Hehehehehe pero syempre di ako gumanyan no mukha naman akong tanga nun. Tapos after nun, pumunta ng Foodcourt at dun sila kumain ng sizzling plate. Di ako kumain kasi di ko trip at feeling ko busog ako kahit hindi, ayun.


After nun, Ice skating na!!!! Tapos yung unang sabak sa rink, di ako marunong shet, tagal na nung huli kong ice skating. Tapos after awhile eh natuto na rin ako kung paano, at ako naman eh parang, "YES!!!!!! MARUNONG NA AKO!!!!!" Hahahaha. At ayun nagpakahappy happy na sa rink at dahil sa sobrang happy ko yata eh mga tatlong beses ako sumemplang. Okay lang haha. Part of learning din yun! Kaso yung panghuli kong semplang ang sakit, para akong nagsplit. Ayun share. Tapos after mag-skating ay kinuha namin yung picture namin na ubod ng mahal =))



Oh diba ang gaganda namin =)) Yan ang tinatawag na reunion! Haha. After niyan ay nakita na namin si Marge at pumunta na sa seaside. Tumambay at nagkwentuhan. Hehehehe. Tapos sabi sakin ni Marge, "Halatang bitter ka. Hindi mo siya pinapansin." At ang aking reaction:


Hahahahahaha. Hala. Bakit naman ako magiging bitter? Tsaka kung may magiging bitter man diba dapat siya at hindi ako? Hala talaga. Tapos anyway ayun, iniintriga parin niya ako kung ano na chuchu stuff. Secret na kung ano yun. Haha. Tapos nang maluto na yung tokneneng/kwek-kwek ay bumili na kami at after nun ay naglakad na papuntang sakayan. Ayun, sabi nila group hug!!!! Tapos hindi kami isasama >_> Tapos ayun hug daw chuchu. Tapos sabi nanaman bitter daw ako kasi hindi ako yumakap.

Whuuuuut. Hindi talaga ako bitter no. Promise. At kung may magsasabi naman diyan na ang defensive ko masyado ay talagang defensive kasi di naman totoo ^^. Eto kasi yung sarili kong version ng "moving on". Haha echos. Hindi ko naman ikakaila na meron parin talaga eh. Di naman ako ganun kabilis ma-fall out of love. Tama ba, fall out of love? Basta ayun. Kaya nga "hindi pinapansin" eh, para maka-"move on". Kaya nga tinutuon ko muna yung pansin ko sa friends at pag-aaral para "makalimot". Kasi sa ngayon talaga, ayoko muna. Kahit na sabihin ng puso ko na gusto ko pa siya, sinasabi naman ng utak ko na ayaw na niya. Echos. Hahahahahahaha. Ayun seryoso yun. Kaya hindi muna ako lumalovelife ngayon kasi parang "pagod" na ako. Get ba? Basta ganun. Gusto ko muna maging "forever alone" ang status ko sa buhay. Hahahahahahaha.

Labels: , , ,

0 comments | Leave a comment