a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Wednesday, April 6, 2011, 8:50 PM
Last day D: 

DAY SIX: Pigtails


Natawa ako sa kagaguhan ko rito. Kasi diba kailangan dalawang kamay nakahawak sa buhok (pigtails nga diba) eh di hindi ko maclick yung mouse (webcam lang gamit ko dyan) at walang timer. So yung elbow ko ang ginamit ko para maclick yung touch pad ng laptop. Kaya ganyan kalapit yung mukha ko. LOL =))

Share lang/

Nung pagpunta ko ng school dumerecho ng homeroom para iwanan yung mga gamit. Tapos nung naandun na sa guardhouse, lumabas na para magjeep. Nakakita kami ng isang jeep na walang kalaman-laman. So nineteen kaming Mendel dun + Ma'am Vidal. Nung nakarating na dun sa place ng outreach, ang freaky talaga. Ang gugulo nung mga bata. So umakyat na para magayos then nung naset na namin, bumaba na kami para kumuha ng kani-kaniyang bata. Napunta sa akin si Renci. Nung nagsimula na sobrang gugulo nila. Tapos nung gumagawa na ng balloon yung mga clown sabi ni Renci gusto raw niya heart. Haha! Bading! Joke. Then nung nag-games na yung una stop dance pero kapag nagstop yung music dapat pagdidikitin yung sinabing part nung clown. Una, hawakan lang daw yung ilong nung kapartner. Tapos pangalawa chin-to-chin. Nung last ay nose-to-nose. Ew. Ew. Ew. Pero ginawa ko parin for fun naman eh. Pero na-out din kami nung sinabi na kailangan buhatin yung kapartner. Haha! Tapos nag-magic na sila na sobrang cool! Pumunta na ng medical mission tapos ang sarap daw nung gamot. Parang gusto ko rin tuloy tikman, haha joke. Nung pagbalik namin sa mismong room kumakain na sila. Edi ayun tapos nag-gift giving na. Binigay ko na yung gift ko kay Renci, actually dalawa yun eh kasi akala nga namin 2:1 ang ratio pero ayun 1:1 lang pala. Then bumaba na kami at pinamigay yung mga hindi nakain na cupcakes. At umuwi na ng MaSci.

Renci ♥

Natuwa naman ako nung sobrang saya ni Renci nung nalaman niya na kotse na di-remote yung regalo ko sakanya. Sabi ko pa nga hindi ko nalagyan ng battery pero sabi niya okay lang daw yun. Tapos pinagmalaki pa niya sa iba niyang kaibigan na ayun nga yung natanggap niyang regalo. Parang, ganung bagay lang masaya na sila. Mga bata nga naman ♥

Nung pagbalik ng MaSci kumain! Inayos yung mga clear book. Lumabas ng homeroom para magtanong sa mga tao kung anong mga section nila. Then bumalik ng homeroom dahil ipinamigay na yung card. Sa bawat taong binibigay ni Ma'am yung card, may message. THE BEST ADVISER :") Tapos ayun nag-iyakan kami at nagpicturean.

IMPORTANT PART NG POST NA ITO:

Sobrang saya ko at napunta ako sa Mendel. Nung first day akala ko talaga hindi magiging masaya kasi ang tatahimik ng mga tao, kaming apat (Ako, Xarrise, Karen, Alyssa) lang yung mga nagiingay. Pero as the days go by, lumabas rin ang mga tunay na kulay ng Mendel >:D Sobrang mahal ko ang section ko. Nung first year ako, umiyak ako nung last day kasi wala akong kakilala sa bago kong section. Pero ngayong third year ako, umiyak ako ngayong last day kasi mamimiss ko ang Mendel. Kahit na may mga nakakagalit ako sa kanila, love ko parin yang mga yan. Sabi pa ni Rea, "Bakit kayo umiiyak?" Bakit nga ba? Magkikita-kita parin naman kami. Alam ko yun. Pero sabi nga ni Diana, "Iba parin talaga kapag magkakasama sa isang section." Totoo yun. Napatunayan ko yun. Kasi kapag nasa isang section kayo, magkakasama kayo pero kapag iba-iba na yung section niyo, may mga bagong kaibigan, iba na yung oras ng lunch niyo, basta IBA NA. Nakakalungkot talaga. Kasi sobrang saya sa Mendel eh. Di lilipas ang isang araw na hindi ka tatawa. I will miss you all gaiz ♥

Pero anyway, nagpunta na kami ng Robinsons at kumain kaming apat (Ako, Xarrise, Karen, Sophia) sa Jollibee. Then nung paakyat na kami papuntang timezone nakasalubong namin Bohr. Wahahahahaha. Hi classmate! :D Tapos nung nasa escalator na kaming apat biglang sumigaw si Sophia, "Uy si MD tumitingin-tingin kay Jeje!" Wahaha kaloka mga tao. At nagtimezone na nga. Naglaro ng stuff. Tapos nakakita ng gwapo ♥ Si chinito guy in black na nagDDR. Haha! Tapos napagdesisyunan naming apat na humiwalay na at nagpastudiopic kami. Nung andun na kami sa Photoline, pinaplano namin kung ano posing namin. Laughtrip lang kasi kung ano-ano naisip namin. So ayun nakapagpicture na nga. Pumunta munang DQ at kumain ng ice cream. Nung natapos na ayun. Bumalik sa photoline at eto ang kinalabasan ng picture namin:

Tapos umuwi na kami. Sobrang sayang last day :D

Labels: , , , , , ,

0 comments | Leave a comment