a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Sunday, April 10, 2011, 8:35 PM
Brida + Zahir 
So last Saturday, April 2, ay natapos kong basahin yung Brida by Paulo Coelho. Christmas gift sa'kin ni Marge pati yung The Winner Stands Alone. Hi Marge!

Ganto cover nung copy ko :D Thank you Marge! :)

Babala: Kung may balak kang basahin ang libro/binabasa mo ang libro, puro spoiler lang ang laman ng post na ito. Thank u.

Ang ganda nung buong libro! Swear. Ngayon lang ako naexcite sa mga susunod na mangyayari sa book. Ngayon lang ako napatili sa kilig. Imagine mo, ako nagbabasa ng libro, tapos biglang titili. Haha! Ganyan ako nung binabasa ko 'to. Yung everytime na magkikita na sila nung Magus, ang laging nasa isip ko, "Ano ka bang Magus ka sabihin mo na kay Brida na ikaw ang soul mate niya gago." Haha. Swear, napapamura na ako sa isip ko sa mga kinikilos nung Magus. Tapos yung nandun sila sa hunter's cabin ba yun. Basta yung nasa taas nung puno. OMG KINIKILIG AKO. Yung part na aalis na si Brida dun sa place nung Magus pero naisip niya na wag. Yung part na nasa wheat field sila KINIKILIG AKO NG BONGGA. Haha!

Kaso ang ending, hindi sila nagkatuluyan :(((((((((( ALAM MO YUNG FEELING NA YUN!!!! Yung gusto mo nang tapusin yung libro kasi excited ka nang malaman yung ending, tapos hindi lang pala sila magkakatuluyan!!! BWISIT KA LORENS!!! Yung feeling ko nung binabasa ko yung last part na nalulungkot talaga ako. Kasi, alam nila sa isa't isa na soul mates sila tapos biglang HUHUHU. Pero ayun nga according sa libro hindi lang iisa ang soul mate natin sa mundong ito. Basta basahin mo na lang yung libro may something dun tungkol sa soulmates. Haha.

Atsaka nakakaconnect din ako kay Brida. Nung part na tinanong niya yung mommy niya kung nainlove na ba siya sa dalawang tao ng sabay. Parang gusto kong sabihin kay Brida, "Ako oo!" Haha! Yung part na kinukwento nung mommy niya yung nakilala niya si 2nd guy natutuwa ako dun. Kumbaga, nafeel mo yung love kahit for a few hours lang silang nagsama at nung araw na yun lang din sila nagkakilala. Tapos alam niyang hindi na sila magkikita pero alam niyang pareho sila ng nararamdaman nung time na yun. Basta. Favorite part ko yun!

Pero nung simula hindi ako interested sa libro. Kasi puro magic, tradition of the moon, tradition of the sun, wizardry at kung ano-ano pang echos na malalaman nila. Pero ewan ko kung bakit tinuloy ko parin yung pagbabasa. Siguro dahil narin sa boredom. Pero marami akong natutunan sa Brida! :D Ang dami kong quotes na nakuha. Haha. Tsaka yung tungkol sa path na tatahakin mo. Stuff. Basta kung babasahin mo yung libro, madami kang matututunan, swear! :D

So yeah, di ka nakaconnect no? Basahin mo na lang :)

At dahil wala na akong ginagawa kapag lahat ng computer/laptop ay may nagamit, sinimulan kong basahin yung The Zahir by Paulo Coelho rin. Bigay naman sakin to ni Perseus. Hi babes! Joke wahahahahahahaha.

Cover nung copy ko :)

Actually kaya eto yung sunod kong binasa kasi nacatch yung attention ko nung 'A novel of obsession'. Haha. Baka sakaling marami rin akong matutunan dito. Wala pa ako sa kalahati. At medyo nabobore ako sa pagbabasa at naaasar din. Kasi ayaw magpakita ni Esther!!! Pero ayun tinutuloy ko parin ang pagbabasa kasi gusto ko talagang malaman kung anong nangyari kay Esther at anong konek ni Mikhail diba. Exciting yung libro eh. Pero wala pa ako sa climax, binabasa pa lang :D

Yeah, nagshare lang ako ng stuff. Ya know bored ako. Pero maganda mga books ni Coelho! Kahit tatlo pa lang nababasa ko (The Alchemist, Brida, The Zahir). Seriously. Kaya nga nung pasko eh puro Coelho books ang natanggap kong regalo eh. Haha. Share///

Labels: , ,

0 comments | Leave a comment