a chronology of thoughts.
welcome
I thought again how you could never really know what you were seeing with just a glance, in motion, passing by. Good or bad, right or wrong. There was always so much more.
« back forward »
Saturday, February 19, 2011, 10:54 PM
DAY ONE 

-> A recent picture of you and 10 interesting facts about yourself <-

*Taken last February 14, 2011 (Valentine's Day) at Advanced Algebra room

1. First time kong gumawa ng kodigo ay noong Grade 1 ako. Shocks, bata pa lang ako masamang damo na. Mayroon kasing elimination sa classroom namin para sa RVE quiz bee. At dahil sa gusto kong manalo ay gumawa ako ng kodigo ng mga feast day ng saints sa isang yellow pad paper. Ayun, highest ako sa class pero sa kasamaang palad may ka-tie ako. Edi nag-tie breaker kami. Tapos wala akong naisagot kasi nga wala na akong kodigo nung time yun! Haha!

2. Mahilig akong manghingi ng hug at kiss sa mga girl friends ko. Most of the time, eto lagi yung nakakapag-brighten up ng day ko.

3. Kahit hindi ako magaling sumayaw, mahilig parin akong sumayaw. Magugulat ka bigla-bigla na lang ako sasayaw sa harapan ko tapos sasabihin ko sayong, "Alam mo ba to? Eto ang Aljeri Dance." LOL.

4. I love my life. Yung mga twists na nangyayari sa buhay ko, sobrang woot. Minsan naisip ko pa nga na ipublish ko sa book yung kwento ng buhay ko eh. Ang ganda kasi eh. Hehe.

5. Every year binabago ko yung salamin ko pero dapat twice a year ako nagbabago. Haha! Sa college, binabalak kong mag-contact lens pero plan pa lang naman.

6. Marami na akong naging crush / ka-MU sa buhay ko pero ni isa sa mga yun ay hindi tumagal. Ewan ko. I'm a heartbreaker, you know. Tapos ang palagi ko kasing naiisip ay, "Kung mahal ako nito, kaya niyang maghintay ng kahit gaano pa katagal." Tapos after a few months lang ata eh yung guy na iniwan / sinaktan ko ay may nahanap nang iba. Hehehehe.

7. Una kong tinitignan sa isang lalaki ay yung hair style niya.

8. Kapag may iniiwan ako, after a few months marerealize ko na ang tanga ko bakit pinakawalan ko pa siya. Haha. Lahat sila ganyan ang naiisip ko promise. Mapa-Ruzcko man yan, Louise or MD. Hahahahahaha!

9. Everyday tumitingin ako sa salamin tapos ngingiti ako at sasabihing, "Shocks/Shet ang ganda ko."

10. Kapag ako nagkakacrush, magugulat na lang ako one day crush na rin niya ako. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Hindi ko pa rin naeexperience na ako yung naghahabol. Yung ako lang yung may gusto sa isang tao pero hindi niya ako gusto. Hindi ko pa naeexperience na lokohin kasi kadalasan ako yung nanloloko. Minsan naiisip ko, darating kaya yung araw na may manloloko sa akin tapos sasabihin ko sa sarili ko, "Karma na ba to sa lahat ng kalokohang ginawa ko?" Haha what a weird imagination.

Labels: ,

0 comments | Leave a comment