Tuesday, November 30, 2010, 8:39 PM
Bonifacio Day 
Dahil walang pasok kahapon at ngayon meron... wala lang. Haha.
Ngayong araw na to ay importante dahil nabuo ang Balite family. A family where I belong ;) Haha. I love you all po. Haha. Nag-simula kasi yun nung hiniram namin yung wallet ni Perseus. Hindi ko na maalala kung paano narating doon yung usapan pero napunta sa mga kapatid ni Perseus. Pinaghati-hatian naming magkakatropa at eto ang kinalabasan:
Xarrise: PercivalAljeri: Patrick
Karen: PierreSophia: PaulAlyssa: PerseusJoshua: PortiaPhilip: HelenRea: PedroChristielle: Inaro
Dahil wala na kaming maisama, dinagdag narin namin yung mom, dad and driver nila Perseus. Oh diba saya ng pamilya namin ♥
Nung uwian na ay pumunta muna kaming ABR para maayos na namin yung wine namin. Tapos strain kami ng strain andami paring sediments. Nang biglang tikman ni Chrisvin yung wine, tinikman ko narin at tinikman na ng lahat. Haha. Nung SHumOT ako, abot hanggang dibdib yung init. Ang sarap grabe. 44% alcohol kasi yung nagawa namin eh. Sa sobrang daming nakitikim, andaming nabawas sa wine namin. Pero okay lang, masarap naman.
After that ay pumunta na kami sa Robinsons. Kasama ko sina Ian, Xarrise, Karen, Sophia pati Alyssa. Una kaming pumunta sa Baker's Depot. Bumili kami ng pang-design para sa cake namin. Paskong-pasko e. Binili ba naman namin si Mr. Snowman pati mga poinsettia? Excited magpasko? Haha.
Tapos pumunta kami ng Unisilver. May binili kasi si Alyssa, hindi ko lang alam kung para kanino. Pumili narin kami ng bibilhin naming friendship ring. Lima kaming bibili so ang pinili naming design ay yung may limang heart. Ang cute! Next friday na kami bibili. Excited na nga ako eh, haha.
Nagikot-ikot pa muna kami tapos ay nakita namin yung Crepes & Creams. Bumili sina Karen pati Ian pero ako hindi nakabili. Kasi twenty lang yung binaon ko na pera. Hahahahahahaha. Pagkatapos nun ay uwian na.
Bottomline: Happy day with Balite Family and friends ♥
Labels: balite family, friends, rob, school
0 comments |  Leave a comment
 
 
 
